ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sikat na Japanese warship na Musashi, natagpuan sa ilalim ng Sibuyan Sea sa Romblon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang ilang dekadang paghahanap, natagpuan sa ilalim ng Sibuyan Sea sa Romblon ang isa sa pinakamalaking Japanese warship na Musashi, na isinabak sa labanan noong World War II.

Sa ulat ng GMA News, sinabing nakita ang barkong pandigma noong Lunes ng grupong pinangunahan ni Microsoft co-founder Paul Allen.

Ginamit ng grupo ni Allen ang iba't ibang historical records at ang kaniyang modernong yate para hanapin ang barko.



Mahigit 1,000 Hapon ang namatay nang palubugin ng tropa ng Amerika ang Musashi noong October 1944 sa gitna ng digmaan.

Ang naturang bakbakan ang pasisimula ng binansagang Battle of Leyte gulf, na isa sa mga pinakamalaking giyera sa dagat na naitala sa kasaysayan.

Ang Musashi ay isa umano sa pinakamalaki, pinakamabigat at pinaka-armadong warship na nabuo. -- FRJ, GMA News

Tags: musashi