ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

LOOK: Biik, isinilang na dalawa ang ulo sa Ilocos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Laking gulat ng isang magsasaka sa Ilocos Norte nang makita niyang magsilang ang alaga niyang baboy ng biik na dalawa ang ulo at tatlo ang taenga.
 
"Nabigla talaga ako at hindi ko inakala na ganito ang ilalabas na biik," ayon kay Farmer Jun-Jun Sabug ng Barangay San Marcos sa bayan ng Dingras sa Ilocos Norte.
 
Dagdag pa ni Sabug, hindi niya alam na buntis ang kaniyang alaga na nagsilang ng 10 biik.
 

GMA Ilocos photo

Ayon kay Mark Masudog ng GMA-Ilocos, ang kakaibang biik ay mayroong dalawang ulo, tatlong taenga, apat na mata, at dalawang nguso.
 
Sakabila ng pagsisikap ni Sabug at asawa nito, pumanaw ang biik pagkaraan ng magdamag mula nang isilang.
 
"Inalagaan namin magdamag, binigyan ng gatas at hiniwalay sa iba. Pero namatay pa rin," ayon kay Gng. Sabug.
 
Paliwanag ng local veterinary office, hindi nagkahiwalay ang dalawang biik habang nabubuo pa lang sa sinapupunan ng inahin.
 
Plano naman ng pamilya Sabug na ipreserba ang mga labi ng kakaibang biik. — FRJ, GMA News
 

Tags: piglets, pigs, animal