ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Vandolph, nakabangga ng motorsiklo; rider, nasaktan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang motorcycle rider ang nasaktan nang mabangga ng sasakyan ni Vandolph Quizon, anak ng yumaong comedy king na si Dolphy. Naganap ang sakuna malapit sa Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni GMA News stringer Ariel Fernandez, sinabing nawalan ng kontrol ang sport-utility vehicle ni Vandolph at napunta sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan niya nahagit ang isang marker at motorsiklong sinasakyan ni Michael Ferrera.
FLASH: Vandolph Quizon, naaksidente sa bahagi ng NAIA-1; kotse ng artista sumampa sa center island at nakasagi ng motorsiklo. | via @dugoy12
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 19, 2015
Hindi naman umano nasaktan sa insidente si Vandolph, ayon kay Fernandez.Minsan na rin nasangkot noon sa aksidente sa Pangasinan si Vandolph kung saan nasawi ang kaniyang nobya, at malubhang nasugatan naman si Valdolph.
Hindi batid ang dahilan kung bakit nawalan ng kontrol si Vandolph sa kaniyang sasakyan. -- FRJ, GMA News
Tags: vandolphquizon, accident
More Videos
Most Popular