ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNoy sa paglago ng ekonomiya: ‘You ain’t seen nothing yet’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Martes ang nakamit na pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kaniyang liderato. Kasabay nito, hinikayat niya ang mga mamumuhunan na "tumaya" sa Pilipinas.
 
Sa kaniyang talumpati sa Euromoney Philippines Investment Forum sa Makati, inilahad ni Aquino ang mga nagawa ng kaniyang pamahalaan sa pagpapahusay sa ekonomiya, kabilang ang paglago ng foreign direct investments.
 
"The tremendous amount of confidence the global community has developed towards the Philippines is incredibly gratifying, especially considering that not too long ago, we were considered the sick man of Asia,” saad ng pangulo sa kaniyang talumpati.
 
"Our administration remains hard at work so that we can maximize all opportunities available to us. I think many of you will agree with me when I say, you ain’t seen nothing yet,” pagmamalaki niya.
 
Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na dadagdagan ng kaniyang pamahalaan ang gastusin para sa mga proyektong pang-empraestruktura sa 2016.
 
Kasabay nito, tiniyak ni Aquino na tinutugunan ng kaniyang liderato ang posibleng maging kakapusan ng enerhiya ngayong panahon ng tag-init sa pamamagitan ng alternative energy sources at paggawa ng mga bagong power plant.
 
Gayunman, pinuna ni Aquino na ang mga nagagawa niyang ito ay tila hindi lubos na nabibigyan ng pansin ng iba.
 
“Our effort to change the negative mindset remains to be a work in progress,” pahayag niya.

Sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia, natanggap ni Aquino ang kaniyang pinakamababang trust at approval ratings simula nang maupo siya sa puwesto noong 2010. —FRJ, GMA News