ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga dumukot sa babaeng alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay, natukoy na ng pulisya
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Natukoy na umano ng pulisya kung sino ang mga dumukot sa babaeng alkalde ng bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay noong Abril 6.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing tumanggi muna ang mga awtoridad na pangalanan ang mga suspek sa likod ng pagdukot kay Mayor Gemma Adana para hindi mapurnada ang kanilang operasyon.
Gayunman, base daw sa natanggap na impormasyon ng pulisya, nananatiling buhay ang alkalde na dinukot sa labas ng kanilang bahay sa barangay Taytay Manubo noong gabi ng Abril 6.
Bumuo naman ng crisis team ang lokal na pamahalaan na tututok sa pagligtas sa alkalde.
Una nang iniulat na nakasagap ng impormasyon ang police intelligence unit na dinala ng mga suspek si Adana sa Sulu. -- FRJ, GMA News
Tags: gemmaadana
More Videos
Most Popular