ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 sundalo, sugatan nang masabugan ng bomba ang sinasakyan nilang trak
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasugatan ang tatlong sundalo matapos masabugan ng bomba ang sinasakyan nilang Army truck sa Santa Cruz, Ilocos Sur.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing galing sa bayan ng Narvacan ang mga sundalo at papunta sana sa kampo ng 81st Infantry Battalion nang mangyari ang insidente.
Base sa imbestigasyon, isang improvised explosive device (IED) ang ginamit na pampasabog ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog ang ilang parte ng IED na pinaniniwalaang inilagay sa sanga ng puno.
Wala pang pahayag ang Philippine Army kaugnay ng nangyari. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular