ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae ang madalas gamiting drug mule ng sindikato


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nababahala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdami ng mga Pinoy na nagiging drug mule o nagdadala ng iligal na droga sa ibang bansa. Kung noong 1993 ay dalawa lamang ang naitalang Pinoy na naaresto dahil sa pagtutulak ng iligal na droga, umabot na raw ito ngayon sa mahigit 700.

Sa isang pahayag na inilabas ng PDEA noong Agosto 2014, sinabing sa 710 Pinoy na naaresto sa iba't ibang bansa dahil sa pagtutulak ng iligal na droga, mas marami ang babae.

Sa nabanggit na bilang, 37 percent o 265 nito ay mga lalaki at 445 o 63 porsiyento ang babae.

Mas madalas daw na babae ang tinatarget ng sindikato na gamiting drug mule dahil hindi sila madaling pagdudahan ng mga awtoridad kaysa mga lalaki.

Sa isa pang ulat noong nakaraang taon, sinabi ni PDEA Director General undersecretary Arturo Cacdac Jr. na mahigit 200 Pinoy ang nakakulong sa China dahil sa pagdadala ng iligal na droga.

Noong Marso 2011, tatlong Pinoy na nahatulan ng kamatayan dahil sa pagtutulak ng iligal na droga ang sunod-sunod na binitay sa pamamagitan ng lethal injection sa China. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia