ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LOOK: Nasa 50 kabahayan, sinira ng buhawi sa Laguna
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi bababa sa 50 kabahayan ang sinira ng buhawi na nanalasa sa barangay San Antonio sa bayan ng San Pedro sa Laguna nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa residente na nakakuha ng cellphone video sa pananalasa ng buhawi, umambon daw muna sa kanilang lugar bago lumakas ang hangin.
Sa lakas ng hangin, ilang kabahayan ang natanggalan ng bubong, dingding, at nabali rin ang ilang puno.
Nawalan din ng kuryente sa lugar dahil sa mga nasirang poste at kawad na dinaanan ng buhawi.
Isang 11-anyos na bata ang nasugatan sa binti nang tamaan ng lumipad na yero.
Tiniyak naman ni Lorenzo Ramos, administrador ng barangay, tutulungan nila ang mga kababayan sa pagpapaayos ng mga bahay.


-- Vonne Aquino/FRJ, GMA News
Tags: buhawi
More Videos
Most Popular