ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Makukulay na kalabaw, ipinarada sa kapistahan sa Ilocos Norte
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagdiriwang ng Farmers Festival sa bayan ng Batac sa Ilocos Norte, ipinarada ang mga kasangga ng mga magsasaka sa bukid-- ang kanilang mga kalabaw.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing bahagi ng kapistahan ang pagparada ng mahigit tatlumpung kalabaw.
Ipininta sa katawan ng mga kalabaw ang iba't ibang tanawin sa bukid.
Pero siyempre, hindi mawawala sa parada ang masigasig na mga magsasaka sa bayan. -- FRJ, GMA News
Tags: festival
More Videos
Most Popular