ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P3.8-M halaga ng shabu, nakumpiska sa sinalakay na bahay sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakumpirma ng mga awtoridad ang tinatayang aabot sa P3.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang bahay sa Cebu City.

Ayon sa ulat ni Chona Carreon ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing isinagawa ng mga operatiba ng Cebu City Police Intelligence Branch ang operasyon sa bahay ng umano'y tulak ng iligal na droga na si Clarrisa Ricablanca sa A. Lopez Street.



Isinasagawa raw sa nasabing bahay ang transaksyon ni Ricablanca, na batay sa tala ng pulisya ay "level 2 drug pusher." Gayunman, nakatakas ito sa nasabing operasyon.

Naaresto naman ang tiyuhin ni Ricablanca na si Rodolfo Tabasa, sinasabing kasabwat sa iligal na gawain ng pamangkin.

Itinanggi ni Tabasa ang paratang.
 
Maliban sa mga pakete ng may laman na mga hinihinalang shabu, nakuha rin sa bahay ang tatlong video karera machines. -- FRJ, GMA News

Tags: shabu