ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3-anyos na babae, natagpuang patay at laslas ang leeg
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Duguan at wala nang buhay nang makita ng mga kaanak ang isang tatlong-taong-gulang na babae sa kanilang bahay sa Limay, Bataan.
Nilaslas ng hindi pa nakikilalang suspek ang leeg ng bata, ayon sa ulat ng GMA News nitong Biyernes.
Wala ring saplot ang bata kaya aalamin sa imbestigasyon kung inabuso ang biktima.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog daw ang mga kaanak ng bata nang mangyari ang krimen.
Paggising nila, nakita na lang ng ina ng biktima na may sugat sa leeg ang bata.
Ayon naman sa lolo ng biktima, may nakita itong camouflage na damit at isang patalim sa maliit na daanan. Hindi pa batid kung ginamit ito sa krimen.
Naglaan ang pulisya ng P20,000 pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa suspek. -- FRJ, GMA News
Tags: crime, childabuse
More Videos
Most Popular