ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng nanakot para makikilan ng pera ang isang lola sa Pangasinan, arestado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinakip ng mga awtoridad sa Mangaldan, Pangasinan ang isang babae matapos umano nitong linlangin, pagbantaan at kikilan ang isang lola.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabi ng pulisya na modus ng suspek na kaibiganin ang matandang biktima.

Nang makuha na raw ng suspek ang loob ng matanda, sinimulan na nitong pagbantaan at hingan ng pera.

Kabilang daw sa ginawang pananakot ng suspek ay bantang susunugin nito ang bahay ng biktima kung hindi ito magbibigay ng pera.

Depensa naman ng suspek, napag-utusan lang siya na gawin ang pananakot sa matandang biktima.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery-extortion. -- FRJ, GMA News

Tags: extortion