ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paglalagay ng Bible verse sa likod ng tricycle, patakaran sa isang lungsod


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Alam ba ninyo kung saang lungsod sa bansa ang mayroong ipinasang ordinansa na nagtatakda sa mga operator ng tricycle na maglagay ng Bible passage o verse sa likod ng kanilang sasakyan para mabigyan sila ng permit para makabiyahe?

May 20 taon nang pinapairal sa Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol ang lokal na batas na nagtatakda sa mga tricycle operator na maglagay ng Bible passage o verse sa likod ng kanilang sasakyan upang mabigyan sila ng permit upang makabiyahe at magsakay ng pasahero.

Walang magkakatulad na Bible passage o verse na makikita sa likod ng mga tricycle dahil ang lokal na pamahalaan na rin ang nagbibigay ng salita mula sa Bibliya na ilalagay ng operator kasama ng kanilang aprubadong permit.

Kung Muslim ang operator ng tricycle, mula naman sa Koran ang salitang ilalagay sa likod ng sasakyan.

Sinasabing ipinatupad ang naturang kautusan para matigil ang paglalagay ng mga operator at drayber ng kung ano-anung salita o larawan sa kanilang sasakyan na kung minsan ay mayroong masamang kahulugan at nakakainsulto sa iba. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia