ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

WATCH: Umano'y pag-atake ng aswang, naiulat din sa Maguindanao; pero mga duktor hindi naniniwala


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maliban sa Cotabato, may pag-atake rin umano ng aswang na naganap sa Maguindanao kung saan mag-asawa naman ang biktima. Pero ang mga duktor, duda na aswang ang nasa likod ng mga pangyayari.



Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing ang pag-atake ng umano'y aswang sa isang mag-asawa ay naganap sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Isang aso na hindi raw tinatablan ng taga ang umatake at kumagat raw sa mag-asawang biktima.

Nitong Miyerkules, iniulat ng GMA News TV's "QRT," na isang aswang na anyong malaking pusa at naging tila tao ang umatake sa apat na residente sa Aleosan, Cotabato.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima.

Pero paliwanag ng mga duktor, hindi aswang kung hindi mga normal na hayop lang ang nakakagat sa mga biktima sa magkahiwalay na insidente.

Sa halip na katakutan ang mga aswang, mas dapat daw katakutan ng mga biktima ang rabies na maaaring idulot sa kanila ng kagat ng mga hayop kaya dapat silang magpabakuna ng pangontra sa rabies. -- FRJ, GMA News