ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ama, nabaril at napatay ang dalagitang anak na napagkamalan daw na aswang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang dalagita sa Tantangan, South Cotabato matapos siyang mapagkamalang aswang umano ng sariling ama at mabaril.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, inihayag ng tiyuhin ng 16-anyos na biktima na bago maganap ang trahediya, galing sa sayawan ang dalagita at madaling araw na ng makauwi.




Dahil alanganing oras na ng umuwi, posibleng natakot daw ang pamangkin sa mga magulang nito. Kaya sa halip na sa pinto, sa bubungan dumaan umano ang biktima para makapasok sa kanilang bahay.

Nang mapansin daw ng ama ng biktima na may umakyat sa kanilang bubungan, tinanong nito kung sino ang tao sa bubungan.

Nang wala raw narinig na sagot ang ama kaya nagpaputok ito ng baril bilang babala. Sa kasamaang palad, tinamaan sa dibdib ang biktima na nasa bubungan.

Ayon naman sa iba pa nilang kaanak, naaalarma ang mga residente sa kanilang lugar dahil na rin sa usap-usapan tungkol sa gumagala raw na aswang.

Wala na raw silang planong magsampa ng kaso laban sa ama ng biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: aswang