Militanteng rallyista nagsunog ng bandila ng US
Sa araw ng paggunita ng âPhilippine-American Friendship Day" nitong Miyerkules, sinunog ng mga militanteng grupo ang dalawang bandila ng Amerika sa tapat ng US Embassy sa Maynila nitong Miyerkules dahil diumanoây peke ang pakikipagkaibigan ng dalawang bansa. Pinangunahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang protesta. Patunay daw sa pekeng pakikipagkaibigan ng dalawang bansa ang 205 rape case kung saan ginamit ng Amerika ang lakas nito upang hindi makulong sa ordinaryong kulungan ang sundalong Amerikano na nahatulan sa kaso. Habang hindi pinayagan ng mga anti-riot police na makalapit pa ang mga nagpo-protesta sa paligid ng embahada, iginigiit ng mga militante na âone-sided" ang pakikipagkaibigan ng Amerika. Noong Nobyembre 2005, isang nooây 22-taon gulang na babae ang nag-akusa sa apat na US servicemen ng panggagahasa sa kanya. Noong Disyembre 2006, sinentensyahan ng korte sa Makati si Lance Corporal Daniel Smith ng life imprisonment matapos mapatunayan siyang guilty sa kaso. Bagamat sentensyado, nakakuha pa rin diumano ng special treatment si Smith na itinakas papuntang US Embassy noong gabi ng ika-29 ng Disyembre noong 2006, ayon sa mga militante. Kanginang umaga, kinundena ng mga militanteng grupo ang administrasyon nina Bush at Arroyo sa pagtulak ng Human Security Act ng 2007 o ang anti-terrorism law na magsisimulang ipatupad ngayong buwan. Ayon sa kanila, ang implementasyon ng nasabing batas ay magreresulta lamang sa walang humpay na pag-aresto sa mga sinasabing âterorista". Kasama sa pagmartsa sa Maynila ang mga grupong Bayan, Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Health Alliance for Democracy (HAD), at Migrante. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV