ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Empleyado ng munisipyo, patay matapos mabundol ng bus sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang empleyado ng munisipyo ng Santa Barbara sa Pangasinan matapos siyang mabundol ng isang pampasaherong bus.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Ramil dela Cruz.



Sa tindi ng mga tinamong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan, agad siyang binawian ng buhay.

Ayon sa kapatid ni dela Cruz, tumatawid sa kalsada ang biktima nang biglang dumating ang bus.

Paliwanag naman ng drayber ng bus, malakas ang pagbusina niya pero tumawid pa rin ang biktima.

Sasampahan ng kaukulang reklamo ang drarber.

Samantala, naghihinagpis ang pamilya ng dating negosyante na si Ferdinand Orata na binaril at napatay sa loob ng isang resto-bar sa Dagupan city sa Pangasinan.

Ayon sa ilang saksi, hindi nakilala ang suspek dahil nakasuot ito face mask at tumakas gamit ang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa pamamaril. -- FRJ, GMA News

Tags: busaccident