ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang tricycle sa Albay, delikado sa aksidente dahil sobra-sobra ang isinasakay na pasahero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Problema ngayon ng mga traffic enforcer sa Guinobatan, Albay ang mga pasaway na tricycle driver na sobra-sobra ang isinasakay na pasahero na kadalasan ay mga estudyante.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing karaniwang eksena na sa nabanggit na lugar ang mga overloaded na tricycle lalo na tuwing papasok at uuwi mula sa klase ang mga estudyante.



Ayon sa mga traffic enforcer, hindi sila tumitigil sa pagsita sa mga driver ng overloaded na tricycle. Pero matigas daw ang ulo ng mga ito na magtatago sa mga awtoridad para hindi mahuli.

May mga drayber din umano na nangangatwiran na hindi naman daw sila pumapasada at mga kamag-anak ang karamihan sa kanilang isinasakay.

Idinadahilan din ng ibang drayber na sumasabit lang sa kanilang tricycle ang ibang estudyante na takot na ma-late sa kanilang klase.

Dahil sa peligro na maaksidente ang mga overloaded na sasakyan, hindi raw titigil sa paghuli ang mga traffic enforcer. -- FRJ, GMA News