ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sunog, sumiklab sa canteen ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School sa QC
By VONNE AQUINO, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sumiklab ang sunog sa canteen ng Ramon Magsaysay Cubao High School sa Barangay Pinagkaisahan Quezon city, 2:25 a.m. ng Sabado. Wala namang nasaktan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma at naapula 2:58 ng madaling araw.
Ayon sa Quezon city fire marshal na si Fire Supt. Jesus Fernandez, posibleng naiwang nakasaksak na appliances ang naging sanhi ng sunog.
Kwento ng security guard ng eskwelahan, alas siyete ng gabi nagsiuwi ang mga tauhan ng canteen at naka-lock din ang mga pintuan nito.
Ayon naman sa janitor ng paaralan na si Reynaldo Presno, natutulog daw sila malapit sa gate nang makaamoy ng nasusunog na kawad ng kuryente.
Dito na raw nila nakitang unti-unting nagliyab ang apoy sa loob ng canteen kaya't agad silang tumawag ng saklolo.
Bagamat walang nadamay na silid-aralan sa sunog, tiniyak naman ng BFP na ligtas ang gusali at maaari pa rin itong gamitin ng mga mag-aaral.
Sa pagtaya ng BFP, aabot sa P50,000 ang halaga ng damage dahil sa sunog.
Paalala ng BFP sa mga gumagamit ng electrical appliances, siguraduhing nakatanggal ang plug ng mga ito bago umalis. — ELR, GMA News
Tags: sunog, quezoncity
More Videos
Most Popular