Negros Island Region, binuo para mapagsama na ang Negros Occidental at Oriental
Mapapabilang na sa iisang rehiyon ang mga lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental sa bisa ng Executive Order 183 na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III para sa pagtatatag ng Negros Island Region.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Biyernes, sinabing bago ang paglikha ng Negros Island Region, ang Negros Occidental ay sakop ng Western Visayas Region, habang Negros Occidental naman ay nasa Central Visayas Region.
Base sa kautusan, layon ng pagtatatag ng bagong rehiyon na mapabuti ang paghahatid ng gobyerno ng pangunahing serbisyo sa mga residente.
Bubuo naman ng Negros Island Region Technical Working Group na tututok sa organizational development at budgeting ng bagong rehiyon.
Nakapalood din sa EO 183 ang pagbuo ng Negros Island Development Council, Negros Island Peace and Order Council, at Negros Island Disaster Risk Reduction and Management Council. -- FRJ, GMA News