ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nagmalupit sa 2 batang anak, nahuli na; suspek, umamin sa kasalanan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nadakip na ng mga awtoridad ang lalaking nakunan sa viral video na namalo, nanampal, at nanipa sa dalawang bata niyang anak sa Muntinlupa City. Pinagbantaan pa ng lalaki ang isa sa mga biktima na kaniyang papatayin.

Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing inamin umano ng lalaki na siya ang nakunan sa video na kumalat sa Facebook na nananakit sa dalawang bata.



Hindi rin umano itinanggi ng suspek na gumagamit siya ng iligal na droga.

BASAHIN: Ama na nakunan sa video na sinasaktan ang 2 batang anak, lulong daw sa droga

Pinagsisisihan na raw ng lalaki ang kaniyang nagawa sa mga anak, na edad anim at apat.

Hindi raw maganda ang sitwasyon ng kaniyang buhay dahil wala siyang trabaho at inaapi umano siya.

Nakatakdang sampahan ng reklamong child abuse ang lalaki, na hindi na pinangalanan.

Kasabay nito, nanawagan ang pulisya sa Muntinlupa at ang Department of Social Welfare and Development na isumbong sa mga awtoridad ang nalalamang insidente ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata.-- FRJ, GMA News