ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kidlat, may nabiktima na naman sa Dingras, Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang magsasaka ang nasawi, habang dalawang iba pa ang sugatan, sa pinakabagong insidente ng pagtama ng kidlat sa tao sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing nagsisilong ng kanilang alagang hayop sa bukid ang mga biktima nang bumuhos ang malakas na ulan.



Nasundan ito ng pagkidlat na tumama sa tatlong biktima na kaagad ikinasawi ng isa sa kanila.

Sugatan namang dinala sa ospital ang dalawa, at maayos na ngayon ang kalagayan.

Sa tala ng Municipal Health Office, mula nitong Mayo, 10 na ang tinamaan ng kidlat sa nabanggit na bayan.

Dalawa sa nabanggit na mga biktima ang nasawi. -- FRJ, GMA News