ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ama, bigong maisalba ang anak sa nasunog nilang bahay sa Cagayan de Oro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang batang lalaki na tatlong-taong-gulang sa sunog na naganap sa Cagayan de Oro city nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ugat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing kasama ang ama ng nasawing bata sa anim na nasugatan.



Kuwento ng lola ng batang biktima, sinubukan ng kaniyang anak na iligtas ang apo pero sobrang laki na ang apoy kaya hindi na niya nailigtas ang biktima.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Naiwang gasera ang hinihinalang pinagmulan ng sunog na umabo sa tahanan ng may 29 na pamilya. -- FRJ, GMA News

Tags: fire