ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pari, nawalan ng 2 kapatid sa insidente ng pamamaril sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang magkapatid na lalaki ang nasawi matapos silang pagbabarilin habang dumadalo sa isang kasiyahan sa Bocaue, Bulacan, ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes.

Ayon kay Fr. Egay de Jesus, dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ang kaniyang mga nasawing kapatid na sina Ferdinand at Ernesto nang pagbabarilin ng itinuturong suspek na si Revolution Clararo.



Kasama umano si Clararo sa ibang grupo na nag- iinuman din sa lugar.

Nasa ospital siya dahil sa tinamong sugat mula raw sa mga tama ng bala ng baril.

Pero hindi pa malinaw kung sino ang nakabaril sa suspek.

Bago umano maganap ang krimen, nakaaway ng mga biktima ang isang kapatid ng suspek.

Hinala ng kaanak ng mga biktima, hindi lang isa ang bumaril sa magkapatid dahil lumilitaw umano na dalawang klase ng baril na ginamit sa krimen.

Naniniwala rin si Fr. De Jesus na murder at hindi homicide ang dapat na ikinaso sa suspek. -- FRJ, GMA News

Tags: crime