ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang mangingisdang Pinoy, itinaboy daw ng mga Taiwanese sa karagatang sakop ng Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinaboy na, sinira pa ang kanilang mga lambat. Ito umano ang naging karanasan ng ilang mangingisdang Pinoy na hinarang at pinagbawalang mangisda ng mga Taiwanese sa karagatang sakop pa raw ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabi ng Philippine Coast Guard, na base sa kuwento ng mga mangingisda, mag-iisang linggo na raw na nasa nasabing bahagi ng karagatan ang mga Taiwanese.



Nasa 10 Taiwanese fishing vessel daw ang nakabantay sa lugar.
 
Nitong Miyerkules, itinaboy raw ng mga Taiwanese ang mga mangingisdang Pinoy na papunta sana sa lugar kung saan sila madalas mangisda at sinira pa ang kanilang mga lambat.

Dahil sa nangyari, sa mababaw na bahagi lang ng na muna nangingisda ang mga Pilipino.

Pero wala raw masyadong makuhang isda sa lugar ang mga ito kaya nagpasaklolo na sila sa PCG.

Ayon naman PCG, hindi pa sila makapunta sa lugar dahil maliliit lang ang mga gamit nilang patrol boat at baka hindi nito kayanin ang alon sa laot. -- FRJ, GMA News