ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Warehouse ng damit sa Quezon City, nasunog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Tinupok ng apoy ang isang warehouse ng damit sa kanto ng Balete Drive at Acacia St. sa Barangay Mariana sa Quezon City pasado alas kwatro ng madaling araw ng Linggo.
 
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nag-overheat na electric fan ang pinagmulan ng sunog.
 
Apat na trabahador daw kasi ang natulog sa warehouse kagabi. Nang magising daw ang mga trabahador, nagliliyab na ang electric fan.
 
Wala namang namatay o nasaktan sa sunog dahil agad nakalabas ang apat na empleyado.
 
Hindi rin nadamay sa sunog ang katabing gusali na mismong opisina ng may-ari ng warehouse, maging ang mga katabing townhouse dahil sa fire wall.
 
Sa pagtaya ng BFP, aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.
 
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tuluyang naapula noong 5:42 ng umaga.
 
Paalala naman sa publiko ni QC Fire Marshal Jesus Fernandez, mag-ingat sa paggamit ng mga appliances na madaling mag-overheat at kung maaari ay palamigin muna ang mga ito kapag napansing overused na. — JDS, GMA News