ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 ipo-ipo, nakunan ng video sa La Union; ilang residente, agad lumikas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakunan ng video ang dalawang ipo-ipo o waterspout na nabuo sa karagatan ng Aringay, La Union. Ang ilang residente, kaagad na lumikas para makaiwas sa kapahamakan.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing kaagad na lumikas ang ilang residente na malapit sa dagat.
Pahayag ng ilang residente, tila papalapit daw kasi ang ipo-ipo sa tabing-dagat kaya may mga nangamba.
Sa 'di kalayuan, nakita rin ang isang mas malaking ipo-ipo na tila humihigop ng tubig.
Nagpasalamat ang mga residente nang hindi tumama sa kalupaan at sa kanilang mga bahay ang nasabing dalawang ipo-ipo.
Wala ring napaulat na nasaktan. -- FRJ, GMA News
Tags: tornado
More Videos
Most Popular