ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 sugatang dolphin, napadpad sa baybayin ng Tagkawayan, Quezon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawang sugatang dolphin ang magkahiwalay na nakita sa baybayin ng Tagkawayan, Quezon nitong Sabado. Ang isa sa kanila, halos mabulag na dahil sa tinamong sugat.
Ayon kay dzBB reporter Peewee Bacuño, ang unang dolphin ay nakita sa baybayin ng barangay Aldavoc dakong 10:00 a.m. na puro sugat sa katawan at halos mabulag na ang kanang mata.
Ang dolphin ay nakita ng mga kabataang naliligo sa dagat.
Kaagad namang dumating sa lugar ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan para masuri ang kalagayan ng dolphin.
2 sugatang dolphin ang napadpad sa baybayin ng barangay aldavoc, tagkawayan, quezon 11:00 am. kanina @gmanews @dzbb pic.twitter.com/vtCjr4gLtM
— peewee bacuño (@PeeweeHero) August 1, 2015Pero dahil sa kawalan ng sapat na gamit at gamot, isinakay ng municipal fisheries and aquatic resources council ng bayan ang dolphin sa isang bangka at dinala sa laot para pakawalan.
Mas malaki umano ang posibilidad na mamatay ang dolphin kung magtatagal pa ito sa tabing-dagat. Mabilis namang lumangoy papalayo ang hayop mula sa bangka na pinagsakyan sa kaniya.
Pabalik na ang grupo nang namataan naman ang isang mas malaking dolphin na sugatan din at paikot-ikot sa baybayin ng barangay Rizal.
Kaagad ding ipinaalam sa barangay officials ang nakitang dolphin upang mabantayan at maitaboy papalayo sa mga tao.
Mahigpit ang pagbabantay ng lokal na pamahalaan sa lugar dahil sa mga insidente ng pagkatay ng dolphin at iba pang endangered species tulad ng pawikan sa bahaging ito ng Ragay Gulf. --Peewee Bacuño/FRJ, GMA News
Tags: dolphin
More Videos
Most Popular