ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'AlDub' fans sa Cebu, may hiling kina Alden at Maine, aka Yaya Dub


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na maitatanggi ang kasikatan ng tambalang "AlDub" nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub," mula sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing nagdaos ng meet up ang fans ng AlDub sa Cebu city para magkakila-kilala sila.



Ang ilan sa kanila, nagsasakripisyo raw talaga para lang mapanood ang kalyeserye.

Hiling ng AlDub nation sa Cebu sana raw ay mabisita sila nina Alden at Yaya Dub.

Sa episode ng kalyeserye nitong Miyerkules, tinuruan ng magkakapatid na Lola Nidora, Tidora at Tinidora si Yaya Dub na sumayaw bilang paghahanda sa laban nila ni Alden sa Bulaga Pa More sa Sabado. -- FRJ, GMA News

Tags: aldubfans, aldub