ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Agilang si Pamana, pinakawalan sa maling lugar —DENR
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pamana
Maaaring sa maling lugar pinakawalan si Pamana—isa sa mga Philippine Eagle na napisa at pinalaki sa isang sanctuary—at ito umano malamang ang sanhi sa pagkabaril at tuluyang pagkamatay nito.
Ayon kay Marcus Joselin, Fragada Regional Director-Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Region 11, natagpuang patay si Pamana sa labas ng "protected area" ng Mt. Hamiguitan batay sa mapa na kanilang pinag-aralan.
Dapat umano doon sa pinakagitna ng kagubatan pinakawalan ang agila. “Meaning, she might not have been in her critical habitat” at nanging madali lamang para sa mga hunter na barilin ito, ayon kay Joselin.
Doon umano sa puso ng kagubatan ay maaaring madaling makahanap ng mapupugaran si Pamana, kung saan malayo ito sa mga mangangaso.
Kinuwestyon din ni Dennis Salvador, executive director ng Philippine Eagle Foundation (PEF), kung bakit nag-isyu agad ang DENR ng permits para sa pagpapakawala kay Pamana, na kung ayon naman sa kanila ay hindi sila sang-ayon sa lugar kung saan pinakawalan ang agila.
Dagdag pa ni Salvador, nakayanan ni Pamana na mag-survive sa ilang sa loob ng dalawang buwan at aniya'y tanda ito na handa ang agila na mamuhay sa kagubatan kahit ito ay pinalaki sa isang eagle sanctuary.
Batay sa pag-imbestiga ng task group Pamana, ang agila ay tinamaan ng bala ng air gun, na naging dahilan sa pagkamatay nito. ''
Inalagaan ng PEF si Pamana matapos itong matagpuang sugatan sanhi ng dalawang tama ng bala ng air gun. Pinakawalan ito noong June 12 at natagpuang patay matapos ang dalawang buwan. — LBG, GMA News
Tags: philippineeagle, pamana
More Videos
Most Popular