ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bangkay ng sanggol na walang ulo, natagpuan sa Zamboanga
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang bangkay ng bagong silang na sanggol na walang ulo ang natagpuan ng isang residente na galing sa simbahan sa barangay Santa Cruz sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing pauwi na ang residente mula sa simbahan nang mabahala siya sa nalanghap na masamang amoy sa lugar.
Nang hanapin kung saan ito nanggaling, nakita niya ang bangkay ng sanggol.
Iniimbestigahan ng pulisya ang nangyari sa sanggol at hinahanap din ang nagtapon sa bangkay sa musmos. -- FRJ, GMA News
Tags: abortion
More Videos
Most Popular