ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dalaga sa Alicia, Isabela, natagpuang patay at hinihinalang hinalay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Walang saplot ang katawan nang matagpuan ang mga labi ng isang 24-anyos dalaga sa barangay San Francisco sa bayan ng Alicia, Isabela.
Ayon sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, sinabing nakitang palutang-lutang ang bangkay ng biktimang si Jennifer Parong sa isang patubigan.
Hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya kung ginahasa ang biktima bago pinatay.
Kuwento ng nanay ng biktima, nagpaalam ang kanyang anak na pupunta sa katabing bayan ng Santiago noong August 28.
May kausap umano sa cellphone ang dalaga pero hindi natukoy kung sino ito.
Inireport ng pamilya sa pulisya na nawawala ang biktima noong Setyember 7.
Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen. -- FRJ, GMA News
Tags: victim
More Videos
Most Popular