ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Magsasaka, patay sa suwag ng alaga niyang kalabaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang magsasaka na natagpuang walang malay sa Bangui, Ilocos Norte. Hinala ng kaniyang mga kaanak, sinuwag ang biktima ng alaga nitong kalabaw.

Sa ulat ni Michael Sison ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing nakitang nakahandusay ang biktimang si Rogelio Flores sa barangay Nalasin, Bangui, Ilocos Norte.

Kaagad na dinala si Flores sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Ayon sa isang kaanak ng biktima, madalas daw na sinasaktan ng magsasaka ang kanyang alagang hayop kapag nakainom ito.

Hinala nito, posibleng sinaktan ulit ng biktima ang kalabaw kaya nagwala ito at nasuwag ang biktima.

Dapat hindi sinasaktan kasi maghihiganti ang kalabaw. May mabait at matapang kapag sinasaktan, susuwagin  ka talaga, " ayon kay Simeon Valera, magsasaka.

Plano ng kaanak ng biktima na katayin ang kalabaw sa mismong araw ng libing ng magsasaka.

Payo naman ng Provincial Veterinary Office, iwasan ang pananakit sa mga hayop para hindi ma-stress ang mga ito na posibleng mauwi sa disgrasya.-- FRJ, GMA NEWS

Tags: animalattack