ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dating stuntman na galing sa lamay, patay sa pamamaril


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang tama ng bala sa mukha ang tumapos sa buhay ng isang dating stuntman sa mga palabas sa telebisyon. Kagagaling lang daw ng biktima sa isang lamayan sa Antipolo City nang barilin ito ng nakatakas na suspek.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, kinilala ang biktima na si Francisco Lagaro, dating stuntman, at residente sa barangay Sta Cruz sa Cogeo, Antipolo.

Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng isang putok ng baril pero hindi niya nakita ang salarin.

"Yung iba daw niyang kasamahan (ng biktima) hinabol yung ano (suspek), yung nakamotor pero wala raw ilaw. 'Yon lang lang naman," kuwento ni Aileen Gimeo.

Bago maganap ang krimen, kagagaling lang raw ng biktima sa isang lamayan.

Ayon naman sa punong-barangay na si Rose Gloria, palakaibigan naman daw ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang salarin. -- FRJ, GMA News

 

Tags: crime