ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Insekto na may masangsang na amoy, namemerwisyo sa Cabanatuan, Nueva Ecija
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Perwisyo ang dulot sa mga residente sa Cabanatuan City, Nueva Ecija sa pag-atake ng insekto na kung tawagin ay "stink bugs" o alitangya.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing halos tatlong magkakasunod na gabi na raw umaatake ang nasabing insekto na nagliliparan sa liwanag ng ilaw.
Bukod sa pang-aabala, malaking ang problema rin sa mga residente na masangsang na amoy na iniiwan ng insekto.
Upang mabawasan ang insekto, sinusunog nila ang mga ito para hindi na makalipad kaya naman santambak na ang alitangya na nawawalis sa paligid.
Hindi naman sinabi sa ulat kung saan posibleng nagmula ang mga insekto at kung ano ang dahilan nang kanilang paglabas mula sa kanilang lungga. -- FRJ, GMA News
Tags: bugs
More Videos
Most Popular