ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sa Texas, USA

Lalaking armado raw ng patalim, binaril ng pulis kahit nakataas na ang kamay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahaharap sa asunto ang dalawang pulis sa Texas, USA dahil sa paggamit umano ng labis na puwersa laban sa isang lalaki na armado umano ng patalim.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, ipinakita ang bahagi ng video na inilabas mismo ng Texas police  kaugnay sa ginawang pagbaril ng dalawa nilang tauhan sa isang lalaki na nakataas na ang mga kamay na naganap noong Agosto.

Walang suot na damit ang lalaki na nakilalang si Gilbert Flores nang dumating ang mga rumespondeng pulis.

Sa video, makikita na itinaas ni FLores ang kaniyang mga kamay pero binaril pa rin siya ng mga pulis na ikinamatay nito.

Nakasaad sa police report na armado ng patalim ang suspek. Makikita rin sa video na tila may sinipa palayo ang isang pulis mula sa nakabagsak na suspek.

Natagpuan ng mga awtoridad ang asawa ng lalaki na duguan at anak nito.

Umani ng negatibong reaksyon sa social media ang video dahil sa labis umanong paggamit ng puwersa ng dalawang pulis na sinampahan na ngayon ng reklamo. -- FRJ, GMA News