ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kaninong ‘Yoda’ chair sa mga APEC leader ang naibenta ng higit P2-M?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot sa P8.81 milyon ang nalikom na pondo sa ipinasubastang limited edition "Yoda" chairs na idinisenyo ni Kenneth Cobonpue na ginamit ng mga world leader sa nakaraang Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Maynila.

'Yoda':  Ang mga upuan na idinisenyo at ginawa ng ni Kenneth Cobonpue para APEC Summit 2015 na ipinasubasta para sa UNICEF's programs. Photo courtesy of UNICEF

 

Ang pagsubasta sa anim na upuan na tinawag na Auction for Action na ginawa nitong Miyerkules ng gabi ay pinangasiwaan ni lifestyle personality Daphne Oseña-Paez para sa United Nations Children's Fund (UNICEF).

Ang upuan na ginamit ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang nakakuha ng pinakamalaking halaga at naibenta ng P2.05 milyon. Sumunod naman ang upuan na ginamit ni United States President Barack Obama na may halagang P2 milyon.

Naibenta naman sa halagang P1.55 milyon ang upuang ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III, at P1.5 milyon ang naging halaga ng upuan ni Mexican President Enrique Peña Nieto.

Nasa P1 milyon naman ang upuan na ginamit ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, at P710,000 ang upuan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Ang nalikom na pondo mula sa pagsubasta sa mga "Yoda" chair ay gagamitin sa UNICEF’s 1,000 days campaign, na layung suportahan ang kritikal na unang 1,000 araw sa buhay ng mga bata.

Ikinalugod naman ni Cobonpue ang naturang proyekto lalo pa't isinagawa ang subasta sa kaniyang kaarawan.

"I am humbled and overwhelmed by the enthusiastic response to the chairs. Coincidentally, today is my birthday, and this is one of the best gifts I ever had. To be able to share it with the children of our country makes it even more meaningful," anang batikang industrial designer na nakabase sa Cebu. -- FRJ, GMA News