ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH

Mga tao sa isang mall, nabulabog sa putok ng baril sa Clark


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nabulabog ang mga namimili sa isang mall sa Clark, Pampanga nang umalingawngaw ang mga putok ng baril mula sa engkuwentro ng mga pulis at hinihinalang carnapper.

Sa ulat ng GMA News TV's QRT nitong Huwebes, ipinakita ang video ng YouScooper na si Kim Suh Gueco Tayag na biglang nagkagulo ang mga tao na nasa labas ng mall.

Sinabing nagkagulo ang mga tao nang marinig ang mga putok ng baril.

Sa impormasyon na nakuha ng GMA News, lumitaw na isang motorsiklo ang ninakaw umano sa loob ng Clark Freeport Zone, at hinabol ng mga awtoridad ang suspek.

Umabot ang habulan sa harapan ng mall at doon na nagkaroon ng barilan.

Sugatan at nadakip ang suspek, habang wala namang nasaktan sa mga sibilyan. -- FRJ, GMA News