ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sinusundan ang mga mangingisda
Add GMA on Google
Buwaya na mahigit 6 na talampakan ang haba, nahuli sa isang ilog sa Palawan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang buwaya na mahigit anim na talampakan ang haba ang nahuli ng mga mangingisda sa isang ilog sa Brooke's Point sa Palawan.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing gabi nitong Sabado nang mahuli ng mga mangingisda ang buwaya sa nabanggit na ilog.
Ayon sa mga awtoridad, sinusundan ng buwaya ang apat na mangingisda dakong 10:00 p.m. Inakala raw ng mga ito noong una na bayawak lang ang sumusunod sa kanila.
Pero nagulat sila nang makita na buwaya ang nakabuntot sa kanila nang tapatan nila ito ng ilaw.
Ang mga mangingisda na rin mismo ang humuli at nagdala sa buwaya sa mga awtoridad.
Pinag-aaralan pa umano ng mga awtoridad kung ano ang gagawin sa buwaya. -- FRJ, GMA News
Tags: crocodile
More Videos
Most Popular