ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

School van na may sakay na mga estudyante, na-sandwich sa 2 truck sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nangyari nitong Miyerkules ng umaga ang kinatatakutan ng driver ng isang school service van na mahagip ng mga naglalakihang trak na dumadaan sa Mindanao Avenue sa Quezon City .

Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing bahagyang nasaktan ang dalawang batang estudyante at driver ng school van ng St. Theresa's College na si Eduardo Danao.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nakatigil ang school van sa isang u-turn slot nang salpukin ito sa likuran ng paparating na 10 wheeler.

Sa lakas ng pagkakabangga, umusad ang van at nabangga nito ang nakatigil sa harapan niyang 22-wheel trailer truck.

Kaagad dinala sa kalapit na ospital ang dalawang bata na nagtamo ng minor injuries at trauma dahil sa insidente.

Paliwanag ng nakabanggang truck driver na si Romeo Daz, hindi kumagat ang kaniyang preno kaya natumbok ang school van.

Madalas mabigat ang daloy ng trapiko sa Mindanao Avenue dahil napupuno ito ng mga dambuhalang truck na mula at papunta sa North Luzon Expressway (NLEX).

Nagiging peligroso sa mga maliliit na sasakyan ang Mindanao Avenue dahil walang nakatalagang bahagi ng kalye o linya na dapat lang na akupahin ng mga malalaking truck, at ang iba ay mabilis ang takbo kapag lumuwag ang trapiko.-- FRJ, GMA News