ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 babaeng naglalakad sa kalye, patay sa pamamaril sa Maynila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang babae na naglalakad sa Quiapo, Manila ang namatay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Batay sa imbestigasyon, malapitan nang barilin ng suspek ang mga biktima sa likuran.

Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Biyernes, nakilala ang isa sa mga biktima sa pamamagitan ng nakuhang ID na si Mercedita Calape.

Kaagad na namatay si Calape sa Raon Street sa Quiapo, habang sa ospital na binawian ng buhay ang kasama niyang babae na hindi pa batid ang pangalan.

Ayon sa mga pulis, tila dayo raw sa lugar ang mga biktima.

Nakakuha na rin ng kopya ng CCTV sa lugar ang mga pulis kung saan nakunan umano ang pangyayari.

Base sa inisyal na pagsusuri, sinabi ng pulisya na lumilitaw na sinundan ng suspek ang mga biktima habang naglalakad at saka sila binaril sa likuran nang malapitan.

Patuloy ang imbestigasyon para makilala ang namaril at kung may kasabwat ito sa ginawang krimen. -- FRJ, GMA News

Tags: crime, soco