ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

14-anyos na babae, hinalay at pinaslang; 2 suspek, tinutugis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natagpuang patay at may sugat sa leeg ang isang 14-anyos na babae sa Siaton, Negros Oriental. Nang suriin ng mga awtoridad ang mga labi ng biktima, natuklasan na hinalay din siya.

Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing dalawang lalaki ang lumalabas na suspek sa karumal-dumal na krimen, base sa imbestigasyon ng pulisya.

Bago nito, nakita raw ang biktima sa isang sayawan at lapitan siya ng isa sa mga suspek para yayaing sumayaw.

Pero tumanggi umano sa alok ang biktima, na posibleng ikinagalit daw ng suspek.

Matapos ang sayawan, nagpunta pa sa bahay ng kanyang pinsan ang biktima, at mula doon ay hindi na siya nakauwi sa kanilang bahay.

Nang hanapin ng siya ng kaniyang kaanak, doon na nakita ang bangkay ng bikitma.

Lumabas din sa pagsusuri na positibong ginahasa ang dalaga.

Pinaghahanap na ang dalawang suspek.

3-anyos, inihagis sa ilog

Sa Santa Rosa, Nueva Ecija, natagpuan namang lumulutang sa ilog ang bangkay ng isang babaeng tatlong taong gulang.

Ayon sa pulisya, posibleng ginahasa rin muna ang bata bago pinatay.

Agad namang naaresto ang suspek na umaming inihagis niya sa ilog ang biktima.

Pero hindi niya sinabi kung ginahasa niya ang biktima.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: rape