ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 babae, patay sa nasunog nilang bahay sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natagpuan ang mga labi ng dalawang magkaanak na babae sa natupok nilang bahay sa Quezon City nitong Lunes ng gabi. Ang hinihinalang pinagmulan ng sunog, ang napabayaang nilulutong pagkain para sa mga baboy.

Sa ulat ni Jay Sabale sa GMA News Balitanghali nitong Martes, sinabing nakita ang mga bangkay nina Niña Santillan at Dorothy Guiang, 58-anyos, sa nasunog nilang bahay sa barangay West Fairview sa Quezon City.

Mayroon umanong kapansanan si Santillan.

Umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog kaya naman ikinagulat ng mga residente nang malaman nilang nasawi ang dalawang biktima.

Hindi pa makapagbigay ng pahayag ang mga kaanak ng mga biktima dahil sa pagkabigla at bilis ng pangyayari.

Pero base sa imbestigasiyon, ang naiwang nilulutong pagkain para sa mga alagang baboy ang pinaniniwalang pinagmulan ng sunog.

Katabi lang kasi ng kalan ang mga papel at plastik na nakatambak na hinihinalang inabot ng apoy. -- FRJ, GMA News

Tags: fireincident