ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kahina-hinalang internet 'repairmen,' sumulpot sa bahay ng isang lady reporter


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong lalaki na nagpakilalang internet repairmen ang nagtangka umanong pumasok sa bahay ng isang lady reporter ng GMA News nitong Huwebes ng hapon sa Quezon City.

Sa text message sa GMA News Online nitong Biyernes, sinabi ni GMA News reporter Lia Mañalac-Del Castillo, na wala siya bahay nang magtungo ang mga lalaki na may dala umanong papel.

Kuwento ng kaniyang kasambahay na naiwan sa bahay, may pangalan ni Del Castillo at numero ang dalang papel ng mga lalaki na nagpakilalang repairmen mula sa PLDT.

Nagpunta raw ang mga lalaki sa bahay para gawin ang Internet connection, gayung wala naman daw nirerequest sa PLDT-SMART si Del Castillo.

"The helper didn't let them in. Ang tao lang sa bahay that time are three helpers, my daughter, and another one-year-old niece," ayon sa mamamahayag.

Umalis daw ang mga lalaki nang hindi pinapasok at tinanong kung anong oras babalik ng bahay si Del Castillo.

"I reported this to PLDT/SMART because nagulat ako dahil hindi ako nagpasched ng repair. Got a call today that PLDT/SMARTBRO did not deploy any team to my house because wala naman nga ako request," dagdag ni Del Castillo.

Ipinagbigay-alam daw niya sa Quezon City Police District Station 2 at sa barangay ang insidente.

Matatandaan na mga nagpakilalang Internet repairmen din ang lumabas na mga suspek sa karumal-dumal na krimen nangyari sa Sta Rosa, Laguna kung saan pinagtay sa pukpok ng martilyo sa ulo ang mag-inang biktima.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang katauhan ng mga salarin na pumaslang sa mag-ina. — FRJ, GMA News