ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kababaihan ng Tagkawayan, nilinis ang Cabibihan River sa Quezon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Upang maging makabuluhan umano kanilang Semana Santa, minabuti ng ilang mga nanay sa Barangay Bagong Silang sa Tagkawayan, Quezon na linisin ang Cabibihan River.

 

 

 

Photos by Peewee Bacuño


 

Sinabi ng mga nanay sa GMA News na napagkasunduan nilang sama-samang maglinis ng ilog, na ayon sa kanila ay dinarayo ng mga bakasyunita at mga turista dahil sa kalinisan at  malamig na tubig na taglay nito.

Gayunpaman, nakahakot din umano sila, nito lamang Sabado de Gloria, ng pitong sako ng basura na kinabibilangan ng mga plastic na iniwan ng mga nagpi-picnic doon.

Balak pa umano ng mga nanay na ituloy ang paglilinis bukas, araw ng Linggo, dahil tiyak na mas marami pa ang darating at maliligo sa ilog sa Pasko ng Pakabuhay.

Ayon sa isang nanay, para umano sa kanilang mga anak ang kanilang ginagawa, dahil nais nilang maabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang ganda ng ilog. — Peewee Bacuño/LBG, GMA News