ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNOY

Buong mundo dehado kapag magkagiyera sa S. China Sea


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maaapektuhan ang buong mundo sa oras na ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at China ay mauwi sa digmaan, ito ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III  nitong Miyerkules.

Dagdag ni Aquino sa kanyang pahayag sa isang kumperensya sa Manila Hotel na inorganisa ng Publish Asia, lahat talunan sakaling sumiklab ang digmaan sa South China Sea (SCS), ang ilang bahagi nito ay tinatawag ng Manila na West Philippine Sea.

Sinabi rin ni Aquino na lahat ng mga bansa sa rehiyon—may claim man o wala sa SCS—ay madadamay sa gulo, sakali mang mangyari ito.

Walang ilusyon ang Pilipinas na makipagdigma ng dahil sa pinagtatalunang mga isla at bahura sa SCS, ayon kay Aquino.

“We would rather devote our resources to the classical economic argument ..." choosing to put our resources on "the butter side rather than [on] the gun side."

Maliban sa China at Pilipinas, kabilang din ang Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan sa mga bansang may-claim sa ilang mga lugar sa SCS, na halos kabuuhan nito ay inaankin ng Beijing.

Kaya, ani Aquino, kinakailangang maresolba ang gusot sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

“A period of instability does not help in fostering prosperity for all,” giit niya.

Idinulog ng Pilipinas sa International Tribunal ang reklamo nito laban sa China, habang patuloy na pinapakiusapan ang mga bansa sa Association of South East Asian Nations na tumulong upang i-pressure ang China na sumang-ayon sa isang "code of conduct" sa karagatan.

Malaki ang mawawala sa Pilipinas kung hindi mapipigilan ang China sa paggiit ng gawa-gawa nitong mga hangganan ng kanyang teritoryo sa SCS — ang tinaguriang "nine-dash line."

“We are supposed to have a 36,000-kilometer coastline. We are supposed to have an EEZ (exclusive economic zone) of 200 nautical miles stretching from those baselines.  And suddenly, we are going to lose about half if we agree to this position,” pahayag ni Aquino hinggil sa nine-dash line ng China. — LBG, GMA News