ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 bata at 2 lolo, nasawi sa sunog sa Pasig City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang dalawang lolo at dalawang bata sa sunog na naganap sa Barangay Palatiw, Pasig City nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Fidel Lacia, 60-anyos; Quelcy Mhiel Peligro, 4; Joe Anne Faye Peligro, 2; at Enrique Sanchez, 64.
Ayon sa mga imbestigador, nagsimula ang sunod sa bahay ng isang Widney Rivas sa F. Santos Street dakong 3:00 p.m.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy pero nasa 50 kabahayan ang natupok.
Pansamantalang tumutuloy ang may 100 pamilya sa dalawang covered court sa barangay at sa Santo Tomas evacuation center. -- FRJ, GMA News
Tags: fireincident
More Videos
Most Popular