ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Duterte, may payo sa mga botanteng Katoliko para 'di raw mapunta sa impiyerno


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng payo ang Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga botanteng katoliko sa harap ng mga puna sa kaniya ng ilang lider ng Simbahang Katolika dahil sa kaniyang "biro" sa pagkamatay at pagkakagahasa sa isang Australian missionary noong 1989.

"Sundin ninyo ang inyong bishop kasi kung hindi, mapupunta kayo sa impiyerno," pahayag ni Duterte sa election forum sa University of the Philippines campus sa Iloilo City nitong Martes.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte isang araw matapos hikayatin ni Catholic Bishops' Conference of the Philippines president Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang publiko na suriin kung tama ang pasya na suportahan ang isang kandidato.

"Judge for yourself if this is the right choice. I will keep my personal judgment to myself. This video can help...." saad sa Facebook post ni Villegas na makikita ang video ng patatalumpati ni Duterte kung saan binanggit ang kontrobersiyal na "biro."

Sa naturang video, inihayag ni Duterte ang nangyaring insidente sa isang piitan sa Davao kung saan binihag ng ilang preso, pinatay at ginahasa ang Australian missionary.

"P-- ina, sayang. Ang napasok sa isip ko, ni-rape nila, pinagpilahan nila lahat doon," saad ng alkalde. "Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin 'yon. Pero napakaganda, dapat mayor muna ang nauna. Sayang."

BASAHIN: Duterte apologizes for rape remarks

Shut up ambassador

Samantala, sinabihan naman ni Duterte si Australian Ambassador Amanda Gorely na manahimik dahil sa pagkomento ng huli laban sa rape "joke" ng alkalde.

Ayon sa alkalde, hindi dapat magbigay ng pahayag ang embahador tungkol sa pagiging patas dahil hindi raw magawa ng kanilang gobyerno na tratuhin ng tama ang mga Pinoy na nagpupunta sa Australia.

Kuwento ng alkalde, isang 37-anyos na Pinay ang idinetine sa Australia ng 14 araw dahil sa hinala ng customs officers na may dala itong iligal na droga.

Pero kinalaunan ay pinalaya rin ang Pinay matapos makitang legal ang mga gamot.

"Do not talk to me about fairness. Kayong mga Australyano. If you cannot be fair to my countrymen, shut up. What is your problem," saad ni Duterte sa election forum sa UP-Iloilo City.

Paliwanag din ni Duterte, binigyan niya kaagad ng katarungan ang Australian missionary na pinatay at ginahasa ng mga preso.

"Your missionary was defiled and raped. What did I give you instant justice. 'Yan patay. Sixteen of them, ayaw niyo pa?" dagdag ng alkalde. -- FRJ, GMA News