ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagsakay ni Kris sa presidential chopper, sinusuri na ng Comelec


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinusuri na umano ng law department ng Comelec ang pagsakay ni TV personality at kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino sa isang presidential chopper sa pagpunta nito sa Cebu kamakailan.

Ilang araw nang kasama ni Pangulong Benigno Aquino III ang kapatid sa pagdalo sa mga official event kasabay ng pangangampanya tulad ng sa Dalaguete sa Cebu, kung saan nakuhaan siya ng mga larawan na bumaba sa presidential chopper at nakasuot ng shirt na yellow, political color ng Liberal Party.

Pinuna ni Senator Bongbong Marcos, isa sa mga vice presidential candidate, ang pagsakay ni Kris sa chopper ng presidente dahil hindi umano dapat gamitin ang anumang government property sa psersonal na gamit at sa pangangampanya.

Ayon naman kay Comelec spokesperson James Jimenez, hinihintay na lamang ng poll body ang pormal na reklamo laban kay Kris upang maaksyunan ang isyu.

Alam na umano ng Comelec ang ilang detalye sa insidente, tulad ng, pakay ni Kris sa pagpunta sa Dalaguete at sinu-sino ang mga kasama niya sa biyahe.

Matatandaang pinagtanggol ni Pangulong Aquino ang kanyang kapatid. Ayon kay Aquino, dati na raw nagpapasakay sa presidential chopper ng potential investors, at isinama niya noon ang kapatid.

Puwede namang sumakay kasama ng pangulo sa mga official government vehicles ang mga miyembro ng kanyang immediate family, pahayag naman ng Malacañang.

Humingi ng saklolo si Kris sa kanyang fans na nitezens matapos siya pagpiyestahan ng bashers.

"Binubugbog daw ako sa social media. Sinasabi nila abusado ang pamilya Aquino. Pwede ... ba na ipagtanggol niyo ako?" pahayag ni Kris.

"Kaya po ako hinihingal. Kanina three kilometers and nilakad ko para makarating dito dahil sa sobrang traffic," dagdag niya. — LBG, GMA News