ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SA EDAD NA 67

Ex-CJ Renato Corona, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pumanaw na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona madaling-araw nitong Biyernes sa edad na 67.

Binawian ng buhay si Corona dakong 1:48 ng umaga sa The Medical City, Pasig City, matapos dumanas ng cardiac arrest.

Sa isang Twitter post, sinabi ng Supreme Court-Public Information Office na ipinaabot ng pamilya Corona ang nakalulungkot na balita.

Sa isang pahayag, sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ng associate justices na nakikiramay sila sa pagpanaw ni Corona, ang ika-23 na Chief Justice ng Kataas-taasang Hukuman.

Ipinag-utos ni Sereno na ilagay sa "half-staff" ang watawat ng bansa sa lahat ng mga korte sa Pilipinas.

Namatay si Corona sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa sakit na diabetes, ayon sa ulat ng News TV Live nitong Biyernes.

Matutunghayan ng publiko ang mga labi ni Corona na ilalalagak sa The Heritage Park sa Taguig City, simula sa Sabado, ayon sa SC-PIO. —LBG, GMA News